Naaakyo bilang kinupkop ng banyagang bansa na isa sa pinakamaunlad sa sangsinukob na sa araw na ito, ika-28 ng Enero, ay sinimulan ang katuparan ng gawaing ito. Sa araw na ito ay ina-alala’t ipinaparangal ang sinasabing ‘pagkakatuklas’ ng Inglatera sa pinakamalaking isla’t natatanging kontinente nuon 1788. Bagama’t ang kinahinatnan para sa mga katutubo ng pagkakatuklas ng kung saan sila’y nanahanan sa nakaraang ‘di kukulang sa isang daang siglo ay hindi kanais-nais, sa mga bagong
Mahigit na sa kalahati ng buhay ang inilalagi sa bayang banyaga kaysa sa bayang sinilangan. Mayruon nang halos tatlong buwan ang nakalilipas ng simulan ang panibagong antas ng buhay bilang guro ng ESL (English as a Second Language) sa mga may-idad nang mag-aaral. Sila’y binubuo ng mga bagong salta, mga ‘refugees’ at mga mamamayan na nawalan, o kinakailangang humanap, ng hanapbuhay. Galing sila sa mga bansang ang Ingles ay ‘di palasak na ginagamit. May kanya kanyang kasaysayan ang bawa’t mag-aaral tungkol sa kung paano sila napadpad sa bansang ito. Mas marami sa kanila ay napilitang lisanin ang bansang sinilangan dahil sa karahasan at kaguluhan. Masasabi kayang mas mapapalad ang mga Pilipinong lumisan sa sariling bayan hindi dahil sa kaguluhan kung hindi dahil sa kahirapan? Sa mga kapuwa kong mga ‘bagong’ salta na ‘di nagkaruon ng pagkakataong magkaruong ng kaalaman ng wikang Ingles sa mga bayang pinagmulan, isang malaking kaligayahan ang maging gabay sa kanilang pakikipagbuno sa wikang ‘Australian English’. Ano ang nagbunsod sa akin na sa ‘hinog’ na idad ay tumanggap ng panibagong hamon? Bakit ako nagtitiyaga na magpakahirap sa pagtuturo sa mga mag-aaral na ang mga utak ay kulta na’t ang dila ay matitigas na para matutuhan ang tamang pagbikas ng mga salitang Ingles? Kasama na dito ang ang pagsasakatuparan ng pinag-aralang pamamaraan sa pagpapaliwanag at pag-akay sa tamang pagbasa at pagsulat. Dapat pa bang pag-abalahan ko pa ba ang mga ito sa pag-iisip at paghahanda ng mga tamang kaparaanan para magampanang kong mabuti ang papel na ito? Hindi ko maita-tanggi na sa kabila nito ay muli kong natagpuan ang kasiyahan sa pagtuturo na una kong naranasan bilang guro sa bansang sinilangan mahigit na tatlumpung taon na ang nakakaraan.